Nagpasalamat si dating Comelec commissioner at noo’y 3PWD 1st nominee na si Rowena Guanzon sa mga abogadong nakatulong sa isinampang labor case ng mga kasambahay sa kanilang dating among si Ruffa Gutierrez matapos daw silang palayasin at hindi pasahuran.

Ayon sa tweets ni Guanzon, "Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban-laban. Mga kaibigan, nanalo sa labor case ang dalawang kasambahay (laban) kay Ruff G."

2 kasambahay na ‘pinalayas’ ni Ruffa Gutierrez noong 2022, naipanalo ang reklamo vs aktres

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1642458094105153539

Sa isang video ay nagpasalamat si Guanzon sa mga abogadong nakatulong sa kanila upang maipanalo ang kaso.

"Salamat sa lahat na tumulong sa dalawang kasambahay na taga Negros Occidental lalo na sa mga abogado," aniya sa caption.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1642462948097658880

Matatandaang si Guanzon ang nagsiwalat at bumanat kay Gutierrez nang pumutok ang isyung ito. Siya mismo ang gumawa ng paraan upang matulungan ang dalawang kasambahay na lumapit sa kanila.

Sa pamamagitan ng Ogie Diaz Showbiz Update nitong Biyernes, Marso 31, ibinahagi ng showbiz authority sa masugid at libo-libong subscribers ang nakuhang kopya ng “Notice of Finality” mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa reklamo. Napag-alaman din na ilang buwan na rin pala itong naihain sa dalawang panig.