Mukhang handang mag-fly papuntang Ukraine ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis para lamang makapagpa-selfie at makadaupang-palad si Ukraine President Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy!

Ayon kay Lolit, ang lakas ng dating para sa kaniya ni Ukraine President.

"Basta pupunta na ako sa Ukraine Salve. Kailangan na talaga mag-selfie kami ni Zelensky. Tuwing nanunuod ako ng news at nakikita ko si Zelensky para bang siya na talaga ang ultimate sa pagiging macho ha. At naka-shirt lang siya, very informal pero lakas ng dating. Iyon presence niya ang aura ng nagiging superstar Salve at Gorgy."

"Iyon lakas ng aura niya na para bang alam mo agad na commanding at very responsible ang dating. With conviction, meron leadership. Bongga talaga. Hitsura ng isang action star. Hay naku, in love talaga ako Salve at Gorgy. Baka nuon past life ko isang Ukranian woman ako at Papa ko si Zelensky. What do you feel ? Bongga di ba!"

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Zelenskyy, ay ikaanim at current president ng Ukraine simula pa noong 2019. Siya ay dating komedyante at aktor sa kanilang bansa bago siya pumasok sa politika. Kaya siguro may star quality na sinasabi ni Lolit, 'di ba?