Usap-usapan ngayon sa social media ang vlog ng isang rider ng isang sikat na ride-hailing app nang mahuli umanong may ibang lalaki ang kaniyang pasaherong babae na ipinagbook pa umano ng boyfriend nito.

Sa inupload na vlog ni "Tony Corong Vlog," ikinuwento niya ang nangyari sa nakuha niyang booking mula sa nagngangalang "Mark." 

Mapapanood sa vlog na nag-uusap sila ng Mark at sinabing girlfriend nito ang sasakay.

Maya-maya nagkita na rider at ang sinasabing girlfriend umano ni Mark pero may kasama itong lalaki. 

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Itinanong ng babae sa rider kung anong pangalan ng nagbook at nang malaman na si Mark ito, agad nitong sinabi sa kasama na "kuya" niya raw 'yon.

Nang makasakay na ang babae, humabol pa umano ng "kiss" ang lalaki bago sila umalis ng rider.

Habang nasa biyahe, inamin ng babae na lasing siya at sinabing kuya niya raw ang nagbook dahil hindi na raw niya kayang magdrive. Pero ang hindi niya alam ay may note umano si Mark sa rider na girlfriend niya ang sasakay.

Mapapanood din sa vlog ang pag-uusap ni Mark at nung babae, gayundin ang pag-uusap nung babae at ng kasama nitong lalaki sa pickup point. 

Sa dulo ng vlog, ligtas naman niyang naihatid ang babae sa drop off point kung saan naghihintay si Mark. 

Ang naturang vlog ay umabot na sa 6.2M views, 275K reactions, at 40K comments. 

Umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang vlog.