Nag-alok si P3PWD Party-list nominee Atty. Rowena Guanzon na tutulungan niya ang mga “Kakampink” na estudyanteng kasuhan ang mga eskwelahang mamimilit na ipasok sila sa Reserve Officers' Training Corps (ROTC) program.

"Kakampink students who are forced by schools to take ROTC , dm me. Let's sue the bastards," saad ni Guanzon sa kaniyang Twitter post nitong Martes, Abril 11.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang "Kakampink" ay pinagsama umanong "kakampi" at “pink”, na siyang kulay ng kampanya ni dating Vice President Leni Robredo nang nangangampanya siya bilang Pangulo ng bansa noong nakaraang eleksyon, na siyang sinuportahan naman ni Guanzon.

Ibinahagi naman niya ang nasabing tweet sa gitna ng mga hakbang sa Kongreso na gawing mandato ang kontrobersyal na ROTC program.

Nito lamang ding Martes, sinabi ni Senador Ronald “Bato’’ dela Rosa na naniniwala siyang maipapasa ang panukalang batas na Mandatory ROTC sa mga kolehiyo at mga teknikal at bokasyonal na kurso bago matapos ang taong 2023.

BASAHIN: Sen. Bato, naniniwalang maipapasa ang Mandatory ROTC bill ngayong 2023

Samantala, nauna nang sinabi ni Guanzon na ang batas ngayon na National Service Training Program (NSTP) Act of 2001 ay nagsasabing hindi sapilitan at may pamimilian ang mga estudyante sa bansa kung kukuha sila o hindi ng ROTC.