Mainit ang naging tagpo sa pagitan ng mga karakter ng Kapamilya teen stars na sina Francine Diaz at Xyriel Manabat sa episode ng ABS-CBN teleserye na “Dirty Linen,” na umere Lunes ng gabi, Abril 10.

Sa isang eksena, kinompronta ni Chiara (Francine) ang pinsang si Tonet (Xyriel) tungkol sa pag-imbita nito kay Nico (Seth Fedelin) sa party na gaganapin sa mansyon ng mga Fiero.

Xyriel Manabat at Francine Diaz (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Hindi nagpahuli ang dalawa sa aktingan kaya naman trending muli ang naturang teleserye. Umani naman ng reaksiyon ang pag ganap ng dalawa at kaniya-kaniyang papuri ang netizens sa dalawang batang aktres.

“Xyriel Manabat as Tonet speaks up women empowerment, people and family rights! and I'm living up for it. We stan a dauntless character. So happy I stan her since childhood. Magaling Umarte,” sey ng isang netizen.

Ang isang netizen naman ay tila bilib na bilib sa aktingan nila Francine at Xyriel.

https://twitter.com/forcarrel/status/1645435856512258049?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Mapapanood ang “Dirty Linen” gabi-gabi, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV 5.