Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Abril 11, ang Signal No. 1 sa 15 lugar sa Bicol, timog bahagi ng Luzon, at silangang Visayas dahil sa bagyong Amang.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, namataan ang bagyong Amang 270 km ang layo sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes. Gumagalaw ito pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras, at may maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.

Itinaas sa Signal No. 1 ang mga lalawigan ng Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon kasama na ang Pollilo Islands, Marinduque, Masbate kasama na ang Ticao Island, Burias Island, Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.

“Areas under Wind Signal No. 1 may experience strong winds (strong breeze to near gale strength) associated with Tropical Depression “AMANG” which may pose minimal to minor threat to life and property,” anang PAGASA.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” dagdag nito.

Maaari rin umanong maitaas sa Signal No. 1 ang ilang mga lugar sa Eastern Visayas at Bicol Region sa mga susunod na bulletin.

Sa pagtataya ng PAGASA, ang bagyong Amang ay mananatili bilang isang tropical depression na may posibilidad na humina at maging isang low pressure area sa huling bahagi ng Huwebes o unang bahagi ng Biyernes.