Ngayong National Pet Day, isang cutie fur baby sa Quezon City ang kinagigiliwan online dahil sa tahimik umano itong sumasakay ng pampasaherong jeep.

“Henlo kuya, bayad po - isang golden, sa may QC circle lang,” caption ng post ng Facebook page na Aki the Goldie.

Sa panayam ng Balita sa fur parent ng asong si Aki na si Iza, ibinahagi nitong nakuhanan ang mga larawan ng 2-years old niyang fur baby kahapon ng umaga, Abril 10. Papunta umano sila noong oras na iyon sa QC Circle para ipasyal si Aki.

“We go there po during weekends or holidays para di ma bore si Aki sa bahay 😂 since it’s a 10min ride lang, we ride the jeep na papunta po dun,” kuwento ni Iza.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na sumakay si Aki sa jeep, at dahil isang upuan na rin ang nasasakop nito, parang isang tao na rin daw ang bayad para sa kaniya.

“Sanay na po si Aki mag jeep kaya alam na po nya pano umupo and super behaved din sya during the trip,” saad ni Iza.

Natutuwa naman daw ang iba ring pasahero kay Aki nang makita nila itong parang tao na tahimik lang na nakaupo habang umaandar ang jeep.

Maging sa online world ay nakarating na rin ang good vibes na dala ng tahimik na pagsakay ni Aki sa jeep. Sa katunayan, umani na ang nasabing post ng mahigit 1,200 reactions, 30 comments, at 234 shares.

“cutest passenger,” saad pa ng isang netizen sa comment section.

“It’s super nice po to know na po na maraming natuwa kay Aki. Hope we can see other furbabies din sa jeep on our next gala,” saad ng proud fur parent na si Iza.

Happiest National Pet Day, Aki at sa ibang fur babies out there!

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!