Kamakailan lamang ay naging guest sa "Toni Talks" ang Kapamilya singer at tinaguriang "Queen of Movie and Teleserye Theme Songs" na si Angeline Quinto.
Umikot ang panayam sa mga pinagdaanan ni Angge bilang isang ina at kung paano siya nag-cope sa pagkamatay ng itinuring na inang si Mama Bob, na humantong pa sa pagkawalang-gana na niyang tumigil sa pagkanta.
Si Mama Bob ang nagpalaki kay Angeline kaya pakiramdam niya, napilayan siya nang husto nang yumao ito dahil sa matinding karamdaman.
Anyway, hindi lamang kay Angeline nakatutok ang mapanuring mga mata ng netizens kundi mismong kay Toni Gonzaga-Soriano.
Kamakailan lamang ay napabalitang buntis daw ang TV host-actress sa pangalawang baby nila ni Direk Paul Soriano, na Presidential Adviser on Creative Communications, bagay na wala pang kumpirmasyon.
Napansin ito ng mga netizen at naitampok pa sa Facebook page na "Isyus."
"Baby bump soft launch?" saad sa caption.
Sa mismong vlog naman, sa ilang shots kung saan ipinakikita silang dalawa, marami ang nakapansin sa tila malaking umbok sa tiyan ni Toni, kahit na nakasuot pa siya ng black dress.
Isa pa, iba raw ang aura ni Toni ngayon na para bang medyo nag-gain weight.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng talk-vlog entry:
"Congrats Miss Toni sa 2nd baby ninyo ❤🎉."
"Baby Bump po yan Mam Toni 🙏❤ Wow wow wow Congratulations po lalo na sa inyong guest Mam Angge, you're a blessing salamat po sa pag-share ng inyong life story. God bless mga mommies."
"Ang saya ko kuya na si Seve ❤congratulations sa inyo Toni and Paul 🎉."
"Laki na ng baby bump ni Toni.. congrats sa mga mommies! Happiest moment ever talaga! 🥰."
"Iba ang aura ni Ate Tons🥰🥰 Feeling ko talaga may kapatid na si Seve🥰."
"Toni is indeed pregnant. Ang laki ng ng tummy niya. Congratulations! ❤"
"Congratulations Toni! May baby bump na and hindi na nagheheels ❤❤❤."
Samantala, mismong sa mag-asawa ay wala pang kumpirmasyon o pormal na anunsyo tungkol dito kaya hintay-hintay na lamang soon!