Star-studded! Pangungunahan nina Kapuso stars Alden Richards at Xian Lim ang listahan ng star-studded finale ng Miss Universe Philippines sa darating na Mayo 13.

Ngayon pa lang ay tila nakikita na ang jampacked na Mall of Asia Arena dahil sa mga bigating guests ng prestihiyusong national pageant.

Ayon sa ulat ng pageant page na Bekis of Pageantry nitong Martes, Abril 11, maliban sa dalawang TV hosts ay pauunlakan din nina reigning Miss Universe R’Bonney Garbriel at Miss Universe 2020 Zozibini Tonzi ang ganap.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Bibirit naman ang Filipina-American singer-songwriter na si Jessica Sanchez sa parehong finale, sey din ng report.

Basahin: P500 hanggang P12,700 naglalaro ang ticket prices para sa Miss Universe PH 2023 finale – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang inanunso ng Miss Universe Philippines Organization ang ticket sales ng finals kamakailan kung saan pumapatak mula P500 hanggang P12,780 ang presyo nito.

Umarangkada na rin ang serye ng challenges ng mga delegada sa pagbubukas nito ng photoshoot challenge kamakailan.

Basahin: Top 5 sa Photoshoot Challenge ng Miss Universe Philippines, napili na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid