Ayaw daw maging killjoy ni Lolit Solis sa mga artistang nangangarap na makapasok sa Hollywood. Aniya, marami na raw ang sumubok pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Sa Instagram post ni Lolit, 'yon din daw ang pangarap ng aktres na si Liza Soberano. Sinabi rin aniya na feeling daw nito eh magagawa niya ito sa talent agency ni James Reid.

"Iyan ngayon ang dream ni Liza Soberano. Feeling niya magagawa ng talent agency ni James Reid. Ok lang, baka sakali, malay mo. Pero sa totoo lang, parang shoot the moon kasi dahil matagal na at marami na ang nangarap, pero hanggang ngayon wala pa rin, hindi pa natutupad," ani Lolit.

"Kung sa talent at ganda, meron naman mga stars natin, pero hayun nga, nauna pa mga chinese at ngayon baka Korean naman ang makapasok, pero wala parin Pinoy," dagdag pa niya.

Lolit Solis tahasang tinawag na 'ilusyunada' si Liza Soberano

Subalit sinabi niya na baka si Liza raw ang mauna. Hindi rin niya raw gets kung bakit big deal ang Hollywood sa aktres kung gayong maganda naman daw ang career nito sa 'Pinas.

"Baka nga hindi pa natin suwerte, at malay mo nga si Liza Soberano ang mauna, who knows di ba. Ewan ko ba kung bakit big deal ang Hollywood deal na iyan kung maganda naman ang career mo sa Pilipinas," sey ng talent manager.

"Pero iyon nga, dream big, at iyannang nangyayari sa marami. Hindi nila pinaniniwalaan iyon kasabihan na dapat pag nangarap ka iyon alam mo na puwede mo maabot, iyon tiyak magkakaruon ng katuparan. 

"Hindi iyon sobra taas na hindi mo kayang marating dahil mabibigo ka lang. Dream big, aim high, kung kaya mo why not, pero kung hindi maging practical. Pangarap na puwede mo lang marating para hindi ka mabigo. Libre naman mangarap, why not. Bongga."

KAUGNAY NA BALITA: