Kinakiligan ng netizens ang mga larawan at videos na ibinahagi ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa kani-kanilang Instagram accounts.

Magkasamang sinalubong ng “KimXi” ang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa isla ng Balesin kung saan makikitang enjoy na enjoy ang dalawa.

Sa Instagram ni Xian, makikita ang isang reel na may background music ng awiting “Buko” ni Jireh Lim na ang ibig sabihin ay “Buhay Ko” kasabay nang pag-tag mismo kay Kim.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Agad namang nag-komento si Kim sa nasabing post ng kaniyang boyfriend.

“Infairness dami nating picture sa BUKO!!!!,” sey ng “It’s Showtime” host with matching laughing emoji at hashtag na “#BUhayKO.”

Hindi rin nagpahuli si Kim at nag-post din ito ng reel sa kaniyang account kung saan makikita ang iba’t ibang ganap nila sa kanilang naging bakasyon.

“Its the little things that make you🥰❤️@xianlimm,” sey ni Kim.

“Halaaaaaaaaaa awww I love you! Happy birthmonth!,” comment naman ni Xian sa post ng kaniyang nobya.

Sa darating na Abril 19, ipagdiriwang aktres at TV host na si Kim ang kaniyang 32nd birthday.

Trending naman sa Twitter ang eksena ng mag-jowa at narito ang ilang tweets ng netizens:

“Mapapa-SANA all ka na lang talaga.”

“Huy kalamahan nyo yan lovebirds ,trending tuloy kayo.”

“Whoa!!!Ang saya!!!Hinding-hindi nagpapasindak ang lovebirds!!!”

Sa ngayon ay kasalukuyang trending ang couple sa Twitter na siya ring ibinihagi ni Xian sa kaniyang Instagram story.