Muling kinakiligan ang tambalan nina Alexa Ilacad at KD Estrada o “KDLex” matapos ibahagi ng dalawa ang mga larawan nila mula sa kanilang bakasyon sa Japan.

Sa Instagram, makikitang binisita ng dalawa ang iba’t ibang pamosong lugar sa nasabing bansa gaya ng Osaka Castle Park at Kiyomizu Temple, kung saan sweet na sweet ang dalawa sa kani-kanilang nga pose.

View this post on Instagram

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

“A dream I’m living in.” saad sa caption ng pinagsamang post nina Alexa at KD.

Umani naman ng reaksiyon mula sa kanilang mga fans at kaibigan sa industriya ang naturang post.

Narito ang ilan sa mga nakalap ng Balita:

“Huuuuyyyy!!! My #KDLex heart! Haha! Enjoy @alexailacad @kdestrada_”

“Most beautiful couple #kdlex”

“direk ready na po sila sa kdrama feels teleserye”

Ayon naman kay Cassy Legaspi, tila wedding pre-nup ang dating ng mga larawan ng dalawa.

Sa ngayon ay may higit isang daang libong likes na ang nasabing Instagram post ng KDLex.