Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Abril 10, na patuloy na maging inspirasyon nawa ng mga Pilipino ang mga bayani ng nakaraan na nagbuwis ng buhay noong ikalawang digmaan.

“Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay ating ipinagdiriwang bilang pag-alala sa naging labanan sa Bataan noong World War II kung saan marami sa ating mga kababayan ang nagbuwis ng kanilang buhay at nagpakita ng kanilang kabayanihan,” ani Remulla sa kaniyang Facebook post.

“Bagaman ilang taon na ang nakakalipas, patuloy sanang magsilbing inspirasyon ang kanilang kagitingan upang ating ipakita ang pagmamahal sa Pilipinas,” dagdag niya.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan tuwing Abril 9, bilang pagbibigay-pugay sa “fall of Bataan” sa Hukbong Imperyal ng mga Hapon noong Abril 9, 1942.

National

PBBM sa Araw ng Kagitingan: ‘Magsikap para sa makatao, patas, progresibong lipunan’

Samantala, dahil natapat ang Araw ng Kagitingan sa araw ng Linggo ngayong taon, inilipat ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang selebrasyon nito ngayong Lunes, Abril 10, alinsunod sa holiday economics.