Tinatayang 62 ang nasawi dahil sa pagkalunod habang apat naman ang dahil sa aksidente sa sasakyan mula nang magsimula ang Semana Santa, ayon sa tala ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Abril 10.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., nasa 57 insidente ng pagkalunod ang naitala ngayong Semana Santa na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng nasabing 62 indibidwal.

Samantala, 11 naman umano ang naitalang aksidente sa sasakyan na siyang nagdulot ng pagkasawi ng apat ng indibidwal.

Sinabi rin ni Azurin na naiulat ang mga nasabing insidente sa mga lalawigan ng Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon and Calabarzon mula Huwebes Santo, Abril 6.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa kabila nito, binigyang-diin naging payapa ang pagdiriwang ng panahon ng Kuwaresma ngayong taon dahil wala umanong naitalang seryosong insidente na may kinalaman sa seguridad mula Huwebes, Abril 6.

Mananatili naman umano ang heightened alert ng PNP hanggang sa Martes, 8:00 ng umaga, Abril 11, kung kailan inaasahang nakauwi na ang mga indibidwal sa kani-kanilang tahanan o lugar na pinagtatrabahuhan.