Umagang-umaga ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday sa maugong na balitang hiwalay na raw sina Taylor Swift at Joe Alwyn matapos ang anim na taong pagsasama bilang magkasintahan.

Iyan ang ulat sa iba't ibang entertainment news sites sa ibang bansa. Ayon sa "Entertainment Tonight," mag-isa lamang daw si Swift na nagtungo sa kaniyang sold-out Eras tour at hindi naispatang kasama si Alwyn.

Noong 2016 unang napaulat na nasa dating stage na ang Grammy winner at ang "Boy Erased" actor. Kahit na maugong na ang bali-balita tungkol dito, napanatili pa rin nina Swift at Alwyn na maging pribado ang kanilang relasyon.

Noong 2020 ay nagsimula na rin silang magkaroon ng collaboration pagdating sa paggawa ng albums, gaya ng "Folklore" at "Evermore" na hindi naman inisnab ng Grammy Awards.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Isa pa sa mga kumalat na rumor ay ang umano'y pasikreto nilang engagement.

Noong Pebrero, naispatan pa silang magkahawak-kamay habang nasa Oscars.

Kaya naman, hindi makapaniwala ang Swifties sa balitang bumungad sa kanila sa social media. Baka raw "delayed April Fools' Day" lang daw ang nangyayari?

"THERE IS NO WAY TAYLOR AND JOE BROKEN UP! I AM SO SICK OF THIS I JUST WOKE UP!"

"Luh? Totoo ba??? Waaahh paano na LOVER!!! kinginerrr paano na DAYLIGHT?!?!"

"Oh no… Easter Sunday ngayon 'di ba, hindi naman extension ng April Fools' Day?