Matapos pag-usapan ang "cryptic post" daw tungkol sa "free taste," usap-usapan naman ngayon ang panibagong Instagram story ni Janice De Belen tungkol naman sa "karma."

Post ni Janice De Belen tungkol sa 'free taste' patutsada nga ba?

Mababasa sa art card na kaniyang ibinahagi ang ganito, "Karma: No need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and if you are lucky it will let you watch."

Screengrab mula sa IG ni Janice De Belen

Pinakawalan ni Janice ang mga post na ito sa kasagsagan ng marital problem ng dating mister na si John Estrada at sa present wife nitong si Priscilla Meirelles.

Wala pang sey si John sa mga intrigang kinasangkutan subalit kamakailan lamang ay nag-post siya ng litrato nila ng misis. Komento naman ng mga netizen, mukhang nagkaayos na ang dalawa at bumabawi ang aktor sa misis ha?

Anyway, wala namang kumpirmasyon o pahayag mula kay Janice kung para kay John ba talaga ang kaniyang cryptic posts o baka naman minalisya at pinapalaki lang ng mga intrigero at intrigera.

In fairness ay parehong aktibo ngayon ang ex-couple sa Kapamilya Network.

Si John, matapos ang "FPJ's Ang Probinsyano," ay muling kinuha ni Direk Coco Martin para sa "FPJ's Batang Quiapo."

Si Janice naman, in fairness ay hindi nababakante ha. Matapos ang "La Vida Lena" at "Love in 40 Days" ay kasama naman siya ngayon sa seryeng "Dirty Linen."