PANGASINAN — Tatlong katao na galing pa sa iba’t ibang probinsiya ang nalunod nitong Sabado, Abril 9, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Enrique Espinosa ,70, ng Barangay Pagatpat, Sta. Cruz, Zambales; Johny Lingayo, 52, ng Panta St. San Vicente, Baguio City at isa pa mula sa Tarlac.

Si Espinosa kasama ang kanyang limang kasama ay dumayo sa Balaki Island, Barangay Poblacion, Infanta upang maglibang at magpiknik.

Lumangoy umano ang biktima sa ipinagbabawal o pribadong bahagi ng isla hanggang sa iulat ng caretaker na may may nakalutang na rito -- ang bangkay na nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Habang si Lingayo ay natagpuang wala nang buhay sa swimming pool ng Resort sa Barangay Bulaoen West, Sison.

Ang isa pang biktima ay mula sa Tarlac na may kasamang mga pamilya sa Dagupan City.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay natangay ng malakas na agos ng dagat at tuluyang nawala. Kalauna'y natagpuan ito ngunit idineklara ring dead on arrival sa pagamutan.