Natawa na lamang ang fans ng volleyball star player at beauty queen na si Michele Gumabao nang ibahagi niya ang karanasan habang nakabakasyon sa Singapore.

Aniya sa kaniyang tweet noong Abril 5, may lumapit sa kaniyang isang nanlilimos ngunit sinabihan niyang wala siyang cash.

Pero sa halip na bigong umalis, pinakitaan siya ng nanlilimos ng "barcode" na ginagamit sa isang mobile wallet.

"May nanlimos dito sa SG, sabi ko sorry no cash. Pinakitaan ako ng barcode 😨," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/gumabaomichele/status/1643609569946640388

Tila biniro naman siya ng mga netizen at sana raw, binigyan na lang niya at sinabihang "Unity lang."

Matatandaang naghayag ng suporta si Gumabao sa UniTeam nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte noong nagdaang eleksyon.

Hindi naman sinabi ni Michele kung nagtransfer ba siya ng pera sa naturang nanlilimos.

Hindi lamang si Michele ang celebrity na nakaranas nito.

Matatandaang nagkuwento rin ng ganitong istorya ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto, habang siya naman ay nasa isang convenience store malapit sa kanilang subdivision.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/17/pembarya-iwa-moto-nag-story-time-naloka-sa-ilang-batang-namalimos-sa-kaniya-na-may-e-wallet/">https://balita.net.ph/2022/11/17/pembarya-iwa-moto-nag-story-time-naloka-sa-ilang-batang-namalimos-sa-kaniya-na-may-e-wallet/