Usap-usapan ngayon ang tweet ng social media personality na si Valentine Rosales patungkol sa Kapamilya star na si Belle Mariano.

Ayon sa tweet ni Valentine kaninang madaling-araw ng Abril 8, hindi niya na-aapreciate ang taglay na kagandahan ni Belle, na sikat na sikat ngayon sa tambalan nila ni Donny Pangilinan na "DonBelle."

Para sa kaniya, mas maganda pa raw ang fez ng isa pang Kapamilya star na si Francine Diaz.

"Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine..," aniya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Screengrab mula sa Twitter account ni Valentine Rosales

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Pag walang ganda di valid ang opinion ha…"

"Ikaw nga maputi ka lang pero pangit ka HAHAHA."

"Baka pag nakita mo sa personal umiyak ka haha."

"Oo ikaw lang…"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag dito si Belle Mariano.