Kaagad na umalma ang social media personality na si Valentine Rosales sa fans ni Kapamilya star Belle Mariano, na hindi nagustuhan ang tweet patungkol sa beauty nito.

Ayon kasi sa tweet at opinyon ni Valentine, hindi niya bet ang beauty ni Belle at parang mas nagagandahan pa siya kay Francine Diaz, na isa rin sa mga sikat na Kapamilya star ngayon.

"Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine..," aniya.

Dahil dito, kinuyog si Valentine ng fans ng tambalang DonBelle at "naback-to-you."

Fans ni Belle, kinuyog si Valentine: 'Pag walang ganda di valid ang opinion ha'

Kaya naman, sa comment section mismo ng Balita ay nagbitiw ng paliwanag ang social media personality. Paliwanag niya, hindi naman niya sinabing pangit o hindi maganda si Belle. At sana raw, huwag pinapakialaman ng mga netizen ang kaniyang tweet dahil opinyon niya ito.

"Jusko mahal na araw. Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad? Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sa inyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste! Twitter ko yun, I tweet what’s on my mind."

"Wag niyo ko mandohan ng gagawin ko dahil wala naman kayo ambag sa buhay ko, wala nga ako pekelam sa opinion niyo about sakin kaya wag kayo mangelam. We are all entitled to our own opinion," aniya.

Screengrab mula sa FB ng Balita/Valentine Rosales

Maging sa kaniyang sariling Facebook post ay ibinahagi rin ito ni Valentine.

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Belle Mariano tungkol dito.