Anang uploader pa, “porke siyam ang buhay” ay tila chill na chill lang, walang takot at pag-aalinlangan si muning sa ibabaw ng bubungan.

Good vibes at laugh trip ang hatid ng viral photo ng isang uploader sa isang public group tampok ang mga alagang pusa.

Larawan ni Elmo Heirba ng Furr Station Facebook Group

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Lalo pang benta ang halakhak na hatid ni mingming sa netizens dahil sa witty na caption ng uploader na si Elmo Heirba.

“Porke siyam ang buhay, sumobra naman ang yabang!” aniya sa viral photo.

Kung titignan kasi nang mabuti, makikitang halos ang babang bahagi ng katawan ng pusa kasama na ang buntot at dalawang paa nito ay wala nang kapit sa bubungan. Pero sa kabila pa nito ay nagawa pa niyang makatulog! Hanep sa chill!

“Muntik na s'yang mahulog buti nalang napicturan mo,” pilyang komento ng isang netizen.

“Malakas ang self-confidence,” dagdag ng isa pa

“Baka naman sobrang puyat kaka-overtime niya,” hirit ng isa pang netizen.

“Literal na 2 paa nasa hukay!😨😹

“Mahal ang skin care, bawal magpa-araw😸,” nakakaaliw na obserbasyon naman ng isa pang netizen sa tila intensyonal na pag-iwas pala ni mingming sa initan.

Gayunpaman, ilan din ang nagpahayag ng pagkabahala sa pusa.

Sinubukang sadyain ng Balita ang uploader ngunit wala pa rin itong tugon sa aming mensahe sa Facebook.

Nasa mahigit 28,000 reaction na ang inani ng viral post sa ngayon.