Sa pamamagitan ng "Alay-Lakad" ay dinayo ng mga deboto ang Diocesan Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna upang masilayan si "Lolo Uweng," ang sinasabing mapaghimalang rebulto ni Hesukristo.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, hindi inalintana ng mga deboto ang kilo-kilometrong layo sa iba't ibang panig ng bansa, masilayan lamang ang milagrosong si Lolo Uweng, na ayon sa kuwento ay natagpuan ng mga mangingisda sa dalampasigan ng Landayan sa San Pedro, Laguna.

Larawan mula sa Lolo Uweng Shrine via Manila Bulletin

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagsimula umano ang paglalakad mula Huwebes Santo (Maundy Thursday) hanggang Biyernes Santo (Good Friday).

"On the belief that the image is miraculous, they brought it up from the lake water, and placed it in a camarin inside a visita for veneration."

"This incident gave way to the devotion to Jesus in Holy Sepulchre, accompanied by miracle stories attributed to the image that were authenticated by local parishioners and devotees from neighboring provinces," mababasa umano sa website ng Lolo Uweng Shrine.

Isa sa mga tampok at dinarayo sa shrine ay ang tubig mula sa isang balon o well na nakagagaling umano sa mga sakit.

Ngunit ang karaniwang ginagawa ng mga deboto sa rebulto ay hinahalikan o pinupunasan ng panyo o tuwalya upang maipahid naman sa katawan, o bahaging may iniindang sakit o karamdaman.

Mga larawan mula sa Lolo Uweng Shrine website via Manila Bulletin

Napag-alamin ding kahit na hindi Semana Santa at dagsa ang libo-libong Katolikong deboto sa naturang shrine.

Jonathan Hicap