Para kay Kapamilya star, TV host ng "It's Showtime" at tinaguriang "Queen of the Dancefloor" ng "ASAP Natin 'To" na si Kim Chiu, ang greatest weapon na pinanghahawakan niya upang patuloy na lumaban sa buhay ay pagrorosaryo.

Ibinahagi ni Kimmy sa kaniyang co-hosts sa Showtime na ang naging panata niya sa buhay ay araw-araw humawak at magdasal ng rosaryo.

“Araw-araw talaga ako nagrorosaryo. Sa dami ng pinagdadaanan mo sa buhay, ‘pag may hawak ka talagang rosary, hindi ka talaga bibitawan ng Panginoon. Iyon 'yong nakakaiyak,” emosyunal na pagbabahagi ni Kim sa kaniyang co-hosts.

“Iyon ang greatest weapon na meron ka. Kapag nagro-rosary ako, parang kausap ko ang Panginoon. Every day iyon,” patuloy pa ni Kim.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero pag-amin naman ng jowa ni Xian Lim, lately ay medyo nakakalimot siya kaya iyon ang hinihingi niya ng tawad sa Diyos.

“Pero lately, hindi ako nakakapagrosaryo so ‘yon ang isa sa malaking ihihingi ko ng tawad. Dati, every day, pero nitong huli, parang nababawasan. Pero hindi dapat. Dapat ituloy lang araw-araw,” aniya.