Tila hindi nagustuhan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Kapamilya star Belle Mariano ang tahasang tweet ng social media personality na si Valentine Rosales patungkol sa hindi niya pag-appreciate sa beauty ng una, at mas maganda pa para sa kaniya si Francine Diaz.

"Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine..," aniya.

Screengrab mula sa Twitter ni Valentine Rosales

Valentine Rosales, di nagagandahan kay Belle Mariano; mas bet si Francine Diaz

Dahil dito, kinuyog si Valentine ng fans ng tambalang DonBelle.

"Pag walang ganda di valid ang opinion ha…"

"Ikaw nga maputi ka lang pero pangit ka HAHAHA."

"Tbh, mas maganda naman talaga si Belle kumpara kay Francine eh, maybe type n'ya lang si Donny kaya n'ya 'yan sinasabi."

"Clout chaser si accla hahaha."

"Holy week ngayon beh bakit holy shit ugali mo, 'tong baklang ulira na ‘to."

"Ang importante wala ka sa kalingkingan ni Belle Mariano pagdating sa pagkamabuting tao."

"Ikaw lang di makaappreciate kasi di ka rin namin maappreciate. Naappreciate namin si Belle kasi mahal n'ya kami at mahal na mahal s'ya. Sorry @valentinersls di rin namin gusto itsura mo."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Valentine hinggil sa pambabarda sa kaniya ng Belle Mariano fans. Wala pa ring sey dito si Belle o maging ang kampo naman ni Francine.