Kamakailan lamang ay nag-post ng birthday greeting ang dating child star, ngayon ay teen star na si Clarence Delgado para sa kaniyang male best friend na si "Francis."

Kalakip ng kaniyang birthday greeting ang mga litrato nilang dalawa na tinawag niyang "ray of sunshine."

"happiest birthday to this ray of sunshine ☀️ @rkiko.o," aniya.

"one of the best person & best friend I ever met, thank you so much for everything ran, kiko, ranshi 🖤 happy legality!!! I wish you all the best and to more bondings, fun, & memorable moments with you 🎊"

Metro

Maynila, nakatanggap ng 235 units ng TV at ₱30M halaga ng medical instruments mula sa ICTSI

"happy bday idol love yahhhh!!," ani Clarence.

Sa comment section ay makikitang tumugon ang kaibigan.

"Thank you renshi!!!" aniya.

Sumagot naman dito si Clarence, "di ka na minor huyy @rkiko.o."

Samantala, isang netizen naman ang tila minalisya ito.

"Bi?" tanong ng netizen.

Isang kapwa netizen naman ang siya na ring sumoplak at bumasag sa kaniya.

"Pag close sa lalaking pwede namang friend lang, bi agad? May mga babae namang close, sweet at clingy but not labeled bi."

Bukod sa naturang netizen ay wala nang nagkomento ng iba pang "malisyosong" tanong o reaksiyon tungkol sa post.

Screengrab mula sa IG ni Clarence Delgado

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Clarence tungkol dito.