Usap-usapan ang Facebook post ng Cebuana influencer na naugnay sa aktor na si John Estrada, matapos itong komprontahin ng misis na si dating Brazilian model-beauty queen Priscilla Meirelles.

Ibinahagi kasi ni Chiyo De La Vega nitong Biyernes Santo, Abril 7, ang Facebook post naman ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza tungkol sa feeling pagka-weirdo sa mga celebrity na nagbubunyag na unfaithful ang asawa nila, subalit mababalitaang magkasama pa rin.

"Nawiweirduhan ako sa mga taong bino-broadcast sa publiko na yung partner nila ay unfaithful pero sila pa rin hanggang ngayon. The design is very illogical. The fact na hindi mo siya iniwan eh mukha ka lang tanga nun. Sinira mo lang din yung sarili mo sa tao," ani Gaza.

Ibinahagi naman ito ni Chiyo sa Facebook account na nakapangalan sa kaniya at kinomentuhan.

‘The design is very bumabawi’: Netizens, nag-react sa ‘love of my life’ post ni John Estrada kasama ang misis

"HAHAHAHAHAAHAHHAAHHAAHAHAH IT'S LIKE SAYING 'HI, GUYS! NANGANGALIWA YUNG ASAWA KO AND IT'S OKAY! I DESERVE THIS!'"

Screengrab mula sa FB ni Chiyo De La Vega/Xian Gaza

Samantala, kamakailan lamang ay pinag-usapan ang post naman ni John Estrada kung saan flinex niya ang kaniyang misis na si Priscilla.

“The love of my life, my wife, my one and only Queen,” sey ni John sa asawa.