Binasag ng content creator na si Jack Logan ang trending motivational rice ng social media personality na si Rendon Labador, matapos sinabi ng motivational speaker na ang kaniyang kanin ay simbolo umano ng mga taong 'di sumusuko sa buhay.

Sinaway din ni Logan si Rendon at sinabing mali na gawing sukatan ng pagkatao ang kaniyang viral motivational rice. Ayon pa sa content creator, hindi ito matatawag na motivational rice, pesteng rice umano ang dapat itawag dito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/05/motivational-rice-ni-rendon-simbolo-raw-ng-taong-di-sumusuko-sa-buhay/

Aniya, "Walang problema na magbenta ka ng kanin kahit isang libo pa ang presyo. Ang mali ay nanunukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Afford mo nga ang extra rice, pero wala ka namang kasalo. Dami mo ngang pambili, pero inutang mo lang sa ibang tao. Mayamang negosyante ka nga, alipin ka naman ng mga investors mo. Motivational nga yung kanin mo pero lalabas yung taong nagkakamot ng ulo," dagdag pa niya.

Una na ring binangga ni Jack Logan ang motivational speaker dahil sa pamumuna nito kay Coco Martin, dahil sa isyung nakaka-istorbo umano ang FPJ's Batang Quiapo sa mga nagtitinda sa Quiapo, Maynila. Tinawag pa ni Logan si Rendon na bulateng muscle man.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/05/jack-logan-tinawag-na-bulateng-muscle-man-si-rendon-labador/