Sa latest episode ng ‘Showbiz Now Na’ ni Cristy Fermin sa YouTube, sinabi niyang sobrang hinahangaan niya ang Kapuso actress na si Barbie Forteza dahil sa kabaitan at magandang pakikitungo nito sa kapwa niya artista.

Ayon pa sa showbiz columnist, deserve ni Barbie ang lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon, dahil sa pagmamahal niya sa trabaho at sa kaniyang pamilya.

Aniya, "Hulog ng langit ang tawag ng pamilya kay Barbie. Tingnan mo ang father niya, pinagmamalaki niya tricycle driver. Naku, hindi krimen. Napaka-ideal na trabaho ito. At ang kaniyang mother, silang dalawang kapatid ang nakasama sa kanilang tahanan, sinubaybayan."

"Di rin niya ikinakahiya ang kaniyang pinanggalingan. Nag-aral sila sa public school ng kaniyang kapatid at noong nagkaroon na siya ng kaunting kita dahil sa TV commercials, doon na sila nakapag-aral sa private school.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Tuwang-tuwa ako na ganoon na lamang ang papuri ng ama ni Barbie sa kaniya, kasi nag-artista bata pa lang at hindi siya pinilit na mag-artista, talagang gusto niya para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya," dagdag pa niya.

Hindi na rin umano nagtataka si Cristy kung bakit maganda ang love life at showbiz career ng aktres. Naniwala rin siyang dahil sa kabaitan at dedikasyon ng aktres kaya ito matagumpay sa karera.

Aniya, "Paulit-ulit po naming sinasabi na ang anak na marespeto at mapagmahal sa pamilya, laging may regalo mula sa langit. Ang nakakatuwa, siya ay puring-puri ng kanyang ama't ina, kanyang kapatid , at ng mga taong nakasaksi ng kanilang kahirapan na ngayon ay swerte na sila dahil naging matagumpay si Barbie."

"Hay naku Barbie, kung alam mo lang. Kasing linis ng iyong balat, kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo," dagdag pa niya.