Todo-laughtrip si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa isang tweet tungkol sa isang kumakalat na screengrab ng ulat patungkol sa pagbubuntis ng aktres na si Kris Bernal.

Nakalagay kasi sa caption ng isang online entertainment site na 18 months na ang ipinagbubuntis ni Kris, doble sa ultimatum na 9 na buwan lamang. Baka raw ang ibig sabihin ay 18 weeks?

Binarda ito ng isang alt Twitter account na "Chakapuso."

"Nasa 18 month of pregnancy na si Kris Bernal sabi ng PEP, ano ba akala nilang iluluwal ni atih mong Kris? Dinosaur? 🤭Sana kunin akong ninang, mabait akong T-Rex," saad nito.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Niretweet naman ito ni YorMeme.

"Waaaaahhhh! Hayufff!!! Tawang tawa ko! Varda! 🤪."

https://twitter.com/vicegandako/status/1643511021934608384

Samantala, idinaan na lamang sa biro ng mga netizen na baka raw kambal ang magiging anak ni Kris at mister nito.

Sa mismong artikulo naman ng nabanggit na entertainment site, makikitang 18th week pregnancy ang nakalagay rito at mukhang naiwasto na rin ang pagkakamaling ito.