Bumuhos ng pagbating congratulations sa Instagram ng Kapuso actor na si Rocco Nacino nang siya ay isa sa mga binigyan ng karangalan nitong Martes, Abril 4 bilang Navy Seal Reservist ng bansa na ginanap sa Sangley Point Naval Base, Cavite City.

Ibinahagi niya ang kaniyang mga larawan pati na ang moment habang ikinakabit ang medal at ribbon sa kaniya ng loving wife na si Melissa Gohing Nacino.

Sa karangalang ito, magsisilbi raw itong motivation para kay Rocco. Sey niya, “Receiving the Parangal sa Kapanalig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Medal and Ribbon.

“A huge honor today to be recognized for our efforts through the CMO activities with my unit, NRPAU.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“This will serve as motivation to me and my comrades to continue our efforts as reservists in serving our country.

Proud sa karangalang natanggap ang aktor at nagpasalamat din siya sa misis. Aniya, “Thank you sa aking commander ng buhay ko, ang aking asawa, @gohingmelissa, sa pagwitness ng napaka espesyal na araw na ito. Proud to be a Navy Seal. Para sa Pilipinas, Hooyah!”

Samantala, binati at ibinida rin naman ni Melissa sa kaniyang Instagram ang magandang balita para kay Rocco. Ika niya, “I’m always proud of you mi amor!

“Congratulations on receiving the Kaparangal sa Kapanalig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Medal and Ribbon & for being an active Navy Seal Reservist.

“You just don’t post about it often but you’ve been doing CMO activities with your unit, NRPAU. I always admire you for always wanting to help other people.”

Pinasalamatan naman ni Rocco ang kaniyang misis maging ang kaniyang butihing ina na pawang bumati ng congratulations.