Handang-handa na ang Philippine Red Cross (PRC) na magkaloob ng medical assistance sa buong bansa ngayong Semana Santa.

Tiniyak ng nasabing non-profit humanitarian organization na nakalatag na ang kanilang Semana Santa operations bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong Pinoy sa iba’t ibang lugar sa bansa upang gunitain ang Mahal na Araw.

Naglagay na rin ito ng mga first aid station at nagpakalatng mga ambulansya na may nakabantay na emergency medical services personnel sa mga critical area sa buong bansa.

Ang mga naturang grupo ay magkakaloob ng medical assistance at susuporta sa mga taong mangangailangan ng tulong sa Mahal na Araw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa datos ng PRC nitong Abril 5, Miyerkules Santo, umaabot na sa 265 indibidwal ang natulungan ng PRC Emergency Medical Services volunteers at staff.

Ang mga ito ay kinuhanan ng blood pressure at binigyan ng karampatang lunas matapos na makaranas ng pagkahilo, laserasyon, abrasion, blister at pamamaga.