Naging emosyonal ang netizens matapos ibahagi ng dabawenya content creator na si Karel Kat Lopez ang kaniyang naranasang bullying noong high school pa lamang siya.

Ayon pa sa kaniya, ang pangungutya at pang-aaping naranasan niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumali pa ng school reunion.

Dagdag pa niya, bakit may mga tao umanong proud pa na makasakit ng iba.

In-upload niya rin ang screenshot kung saan mababasa ang komento ng netizen, na nagtatanong kung naaalala pa ba ng content creator na naging "tuta" siya dati.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

"Oh, hello Karel nag-pm ako. Sikat ka na, hahaha. Naalala mo pa na pinapa-iyak ka lang namin noon kasi mayabang ka. Bilis mo lang paiyakin kasi "tuta" ka namin," komento ng netizen.

Rumesbak naman ang content creator at sinabing: "Reason why never ako sumali sa mga high school reunion, 'di ko alam bakit ang proud niyo sa mga pambubully niyo, di sana maranasan ng mga anak niyo 'yan in the future.

Ikinuwento rin ni Karel na minsan ay inaabangan umano siya ng mga nang-aapi sa kaniya sa labas ng kanilang paaralan kaya nagpapasundo na lamang siya sa kaniyang magulang.

"I remember naki-txt pa ako sa parents ko na sunduin ako pag-uwian kasi aabangan daw ako ng grupo nila," saad nito.

Ikinagalit naman ito ng mga tagasuporta ng dabawenya creator.