Tila hindi nagustuhan ng fans ng sikat na K-Pop all-female group na "Blackpink" ang pasikretong pagkuha umano ni DJ Mo Twister ng video sa kanila.

Para sa mga netizen, ito ay "invasion of privacy" sa sikat na grupong kamakailan lamang ay nagsagawa ng concert sa Pilipinas, na dinaluhan din ng celebrities na tagahanga nila. Isa nga sa mga umeksena rito ay ang promposal ni Kapamilya actress at Star Magic artist na si Andrea Brillantes sa kaniyang jowang si Ricci Rivero, para dumalo sa Star Magical Prom.

Anyway, tinadtad ng komento at reaksiyon ang Twitter na dapat daw ay burahin ni Twister ang mga kuhang video dahil natatakot sila sa maaari daw gawin nito. Nahalungkat pa ng mga netizen ang mga dating intrigang kinasangkutan ng radio at TV personality, na nauugnay kay Kapuso actress Rhian Ramos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/love06288/status/1642849757080211456

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ako lang ba yung kinakabahan na baka gumawa ng kalokohan si DJ Mo Twister sa girls natin (BlackPink). Pls wag naman sana."

"Paano s'ya nakalapit ng ganun? Wala bang security yun Blackpink?"

"Kindly delete this video, it's unauthorized. DJ Mo Twister secretly took the video and invaded Blackpink's privacy…"

"Weirdo… bakit nasa baba ang point of view?"

Samantala, ilang netizens naman ang nagtanggol din kay Twister.

"Eh? Gawain naman yan ng mga fans ha. Pinagpuputak nila?"

"Celebrity din naman si DJ Mo, so anong problema? Wala namang kinaiba yan sa isang fan na nag-video sa idol nila. OA ha…"

"Sa mga Pinoy fans ng mga K-Pop na 'to minsan sumosobra din tayo ano? Grabe kayo mang-away ng kapwa Pinoy sa Twitter at napapansin ko sa iba sa inyo ha hindi naman kayo inaano ng ibang Pinoy celebs na napag-uusapan grabe kayo mang-down sa kanila…"

"Yikes. Ang lala ng mga faney. Naalala ko mga fans no'n ng AlDub. May mga delusions na."

Samantala, tila burado na ang video ng Blackpink na inupload ni Twister, kung titingnan ang kaniyang social media accounts. Bukas ang Balita sa panig ni DJ Mo Twister hinggil dito.