Walang tumama ng jackpot para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Abril 5.

Ang mga lucky numbers para sa Grand Lotto ay 05 - 15 - 43 - 06 - 22 - 18 para sa jackpot prize na nagkakahalaga ng P29,700,000.

Sinabi ng PCSO na 16 na taya ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000 at 849 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, ang masuwerteng kumbinasyon para sa Mega Lotto ay 42 - 40 - 09 - 26 - 07 - 13 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P67,302,457.20.

Animnapu't isang bettors ang nakakuha ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng 32,000 at 2,257 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato