Namahagi na naman ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol Region.

Sa pahayag ng DSWD-Region V, umabot na sa₱4,379,000 financial assistance at educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ang napakinabangan na ng tatlong bayan sa Camarines Sur--Sagnay, Lagonoy, at Calabanga.

Nasa 1,885 na benepisyaryo ang napamahagian ng naturang ayuda simula Marso 29 hanggang Abril 4 ng taon.

Ang mga benepisyaryo ay bahagi lamang ng mahihirap na pamilyang dumaranas ng krisis na dulot ng pandemya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binigyang-diin pa ng ahensya, malaking tulong ang nabanggit na financial assistance sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga ito.