Kinaaliwan ngayon ang viral video na in-upload ng isang guro na si Ading Quintero, matapos parang "nahilamos" niya ang holy water na binasbas ni Father Darwin Artizona sa dalang palaspas ng mga nanampalataya sa San Sebastian Church, Occidental Mindoro.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Titser Ading, ikinuwento niya na niyaya niya ang kaniyang mga estudyante para magsimba, humabol lamang umano sila sa misa dahil katatapos lang ng kanilang performance sa iskul.

Dagdag pa niya hindi umano niya akalaing na-videohan pala ng isa niyang estudyante ang pangyayari.

Aniya, "Nagsimula po talaga yun noong niyaya ko ang aking mga students na mag-church after ng performance ng aming school, isang event po.Medyo na-late na po kaming dumating kaya sa likod na po kami pumuwesto.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

"Ang mass po ay pinamunuan ni Father Darwin Artizona na na-assign sa San Sebastian church sa bayan Sablayan, Occidental Mindoro. Pero noong Sunday po nagsimba po talaga ako with my student Mateo Lee Del Rosario at hindi ko po alam na navideohan nya po pala ako," dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Titser Ading na first time niya umanong maranasan na parang naligo sa holy water na ikinatuwa naman niya.

"Noong nagbabasbas na po si Father pumunta na po kami sa gitna para mabasa po yung palaspas pero naparami po ata basbas sa'kin hehehe. Nakakatuwa din po at nasabuyan ako ng ganoon karami, first time ko din po kasi maranasan ang maligo sa holy water," sey ni Titser Ading.

Ayon pa sa kaniya, matagal na niyang nakilala si Father Darwin at naging titser niya pa ito sa kolehiyo. Inilarawan rin niya bilang magaling at kwelang pari si Father kung kaya marami ang nagmamahal dito.

Aniya, "Matagal na po kami magkakilala ni Father Darwin siya po ay titser ko noong college po. Magaling at kwela po talaga mag-homily si Father Darwin at sobrang daming nagmamahal at natutuwa po sa kaniya."

Ang viral video ay mayroong 15k likes at 11k shares. 

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!