Ibinahagi ng social media personality at dating Hasht5 member Marlou Arizala a.k.a. Xander Ford na may iniindang karamdaman ang kaniyang ama.

Sa kaniyang Facebook posts, sinabi ni Xander na hindi niya alam kung anong gagawin ngayong may sakit ang kaniyang erpats.

"Lord hindi ko alam paano ko tutulungan ang Papa ko grabe na ang sakit na nararamdaman n'ya," pahayag ni Xander.

"Sobrang payat na ng papa ko hindi na sya nakain hindi na sya nainom gamot di na s'ya masyado makalakad."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Alam ko Lord marami akong pagkukulang… pero nakatulong naman po ako sa ibang tao sana kahit si Papa lang po matulungan N'yo po," dasal ni Xander.

"PAPA KAHIT ANONG MANGYARI KAPIT KA LANG PAG OK KA NA IPAPAGAWA KO 'YANG HINIHIGAAN MO AT BIBILHAN KITA NG GUSTO MO PASENSYA KA NA KUNG NAGING MAKASARILI AKO PAPA SANA LAKASAN MO PA PARA MAKASAMA MO APO MONG SI XERES PAPA," ayon pa kay Xander.

Hindi naman nabanggit ni Xnader kung ano ang iniindang malalang sakit ng ama.