Isiniwalat ng umano’y pumaslang kay Queen Leanne Daguinsin, 24-anyos na De La Salle University (DLSU)-Dasmariñas student, na plano lamang niyang magnakaw sa dormitoryo nito, at napatay lamang daw niya ang dalaga nang magising ito at manlaban.

Sa panayam ng Manila Bulletin kay Dasmariñas City Police Station (CPS) acting chief Lt. Col. Juan Oruga Jr. nitong Lunes, Abril 3, ibinahagi umano ng arestadong suspek na kinilalang si Angelito Erlano na dahil madilim ang kuwarto nang mangyari ang pagnanakaw, naapakan daw niya ang biktimang natutulog.

"According sa initial na salaysay niya, hindi raw niya balak saktan, balak niya ay magnakaw lang. 'Yun nga lang po ay nagising at nanlaban 'yung bata,” ani Oruga.

Inanunsyo ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang pagkakaaresto ni Erlano noong Sabado, Abril 1.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

BASAHIN: Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, timbog

Na-recover naman umano ng mga awtoridad ang isang laptiop ang isang bag mula kay Erlano.

Ayon kay Oruga, hahatiin ang naging pabuya na ₱1.1 milyon sa mga residenteng nagbigay ng impormasyon sa mga pulis hinggil sa nasabing suspek.

BASAHIN: Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Kinasuhan naman umano ang suspek ng robbery with homicide at direct assault.

Matatandaang natagpuang patay si Daguinsin noong Marso 28 sa dormitoryo nito matapos umanong magtamo ng 14 na saksak.

BASAHIN: Graduating student sa Cavite, pinagsasaksak sa kaniyang dormitoryo, patay!