Swak panglaban sa summer heat ang kaseksihan ng former beauty queen at aktres na si Maggie Wilson ngunit sey ng ilang netizen na dapat burahin na ang tattoo ng pangalan ng dating asawang si Victor Consunji.

Sa kaniyang Instagram post, nakasuot si Maggie ng black one-piece na may captiong, “In my element!”

View this post on Instagram

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani ng papuri ang beauty queen dahil sa perfect hubog na talagang perfect sa init ng summer ngunit hindi siya nakaligtas sa ilang netizens na nakapansin sa tattoo ng pangalan ng dating asawa.

Matatandang taong 2021 nang ianunsyo ng aktres ang kanilang hiwalayan matapos ang 10 taon na pagsasama sa isang Instagram post na nagsasabing, "Vic and I have made the difficult decision a while back to separate. It's been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us."

At nito lamang buwan ng Pebrero nang maglabasan ang isyu ng tatlong warrants of arrest sa kasong adultery at 16 warrants ng cyberlibel ang kinakaharap na kaso ng former actress-beauty Maggie Wilson, ayon sa mister nitong si Victor

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/14/maggie-wilson-nagtatago-huhulihin-na-umano-ayon-kay-victor-consunji/

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

“Maam maggie ipaalis mo na po tatoo mo na victor.”

“Any plans to remove the victor tattoo”

“Grabeee… Ako pala yung sinayang mo.”

“Galit na naman c victor ang Ganda ehhh”

“Grabe mala dyosa ang ganda!!!”

“Super sexyyyy!”

“Awat na po di napo naman kinkaya madam.”

“What’s ur waistline? Omg.”

“Laban Maggie❤️❤️”

“Yung isa kaya san nag pa tattoo ng “Victor”?