Inamin ng hunk actor na si Aljur Abrenica na eventually, siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ng estranged wife na si Kapuso actress Kylie Padilla.

Sa panayam ni Aljur sa "Toni Talks," walang takot na sinagot ng aktor ang tanong tungkol sa ibinabatong akusasyon ng mga netizen na isa siyang "cheater" o manloloko.

"Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yon. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako. Hindi ako nagkaroon ng time sa kanila. Noong nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala ‘yong komunikasyon," ani Aljur.

Sa estado raw ng sarili niya ngayon, naniniwala siyang "sapat na sapat" ang kaniyang pagmamahal sa Diyos, sa sarili, sa mga anak, at sa kaniyang girlfriend na si Vivamax star AJ Raval.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Kabilang si Aljur sa pelikulang "Single Bells" kasama sina Angeline Quinto at Alex Gonzaga, na mapapanood naman sa kauna-unahang Metro Manila Summer Festival.