Kung pinag-usapan ang nakakalokang kissing scene nina Kapamilya stars Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa inilabas na official teaser ng "Unbreak My Heart," ang unang makasaysayang collaboration project ng GMA Network, ABS-CBN/Dreamscape Entertainment, at Viu Philippines, nawindang din ang netizens sa maiinit na eksena nina Joshua at kaapelyido niyang si Kapuso actress Gabbi Garcia.

Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng Kapamilya at Kapuso fans kung bakit "tinuhog" ng karakter ni Joshua ang mga karakter nina Jodi at Gabbi, at ano nga kaya ang magiging papel dito ni Richard Yap, na eventually ay nauna nang maging katambal ni Jodi sa hit afternoon series na "Be Careful with My Heart."

'Matapos kina Janella, Jane!' Joshua, hinigop si Jodi

https://twitter.com/gmanetwork/status/1641651531618435072

Isa pa sa mga na-sightsung ng mga mapanuring marites ay ang tila "pabakat" ni Joshua sa isa sa mga eksena nila ni Gabbi. In fairness kay Joshua, ha, at talagang may ibubuga!

Narito naman ang ilan sa feedback ng netizens tungkol sa makasaysayang collab.

"This is a great ABS-CBN & GMA collaboration. The much awaited 'Unbreak' series of the year & years is looming hot. Looking forward to watching it here in 🇰🇪. Grabe!!!"

"More collab with these two network. the result is beyond the typical Filipino series."

"Sana after this, may sumunod ulit na collab. Kahit one series every year. Para love love lang always. Manifesting din ABS-CBN and GMA Films mag-collab in a one bis screen tas FAMILY DRAMA tas MGA VETERAN ACTORS"