Maging si GMA News reporter Mav Gonzales ay hindi rin nakaligtas sa mga karaniwang wala-sa-hulog na komento sa mga single at tumatandang kababaihan na kung ilarawan ng ilan ay “sayang.” Well, para sa Kapuso news personality, ‘di ito dapat na ituring na kakulangan.

Ito ang isa sa natakalay sa The Howie Severino Podcast kamakailan kung saan nahingan ng konteksto si Mav kaugnay ng viral social media post na ikina-relate ng marami.

“Mabuti nang wala kesa mali,” sey niya noon.

Kuwento ng mamamahayag, kagaya ng ilang kababaihan na may edad na sa pamantayan, well, madalas ay problematikong lipunan, hindi rin siya nakaliligtas sa mga atrasadong komento ng ilang tao.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

“I always get these comments na ‘Hoy. Tumatanda ka na. Sayang ka naman, baka mamaya hindi ka na magkaanak, baka malipasan ka ng panahon.'"

"And for the longest time, it was funny lang. But then, I realized na to me siguro, it's funny. But then, to other women who are about my age or a bit older na, they take it personally na they tend to settle, they tend to like get desperate because they feel like, the relationship is the only way they would find their worth. And kahit na hindi nila masyadong bet 'yung lalaki, parang sila, ‘Ito na 'yung nandito, sige na nga,’" pagpapatuloy niya.

Kahit isa sa mga lagareng news personality ngayon, dagdag pa ang mapabilang sa award-winning documentary format na “I Witness,” bukas pa rin naman si Mav pagdating sa dating.

Siyam na taong single na ang reporter, sunod niya ring rebelasyon.

"And I feel like this journey, 'coz it's been a very long time. It's been... Ilan na ba? Mag-nine years na that I am single. But I do date. But the nine years, I feel like it's also been a journey with my friends, with cousins my age and with some people na I become friends with, also sa social media na we're all in this together. Let's not settle. You know, I feel like if the Lord provides, the Lord will provide and there will be no hassle to it,"

“Ako naman po I’m open to sharing it just for other people to say na, ‘Siya nga eh she has a good career also, she is doing well. She travels and stuff, and she doesn’t find na kakulangan sa buhay ‘yon if you’re still single,'" pagpapatuloy ng Kapuso reporter.

Sa huli, kung maiuuwi sa kasalan ang magiging karelasyon ay bukas din aniya siya sa pagkakaroon ng anak si Mav, gayundin sa parehong paraan, kung hindi na ito ibigay sa kaniya.

“For me, personally, I would love to have kids but if I don't get married soon and I don't have the kids, e, wala. Parang that's the card for me. It's not something that would make me feel like 'Oh, I'm less of a person because this didn't happen for me.' And I hope that's also how other people feel especially mga babae kasi kami 'yung may biological clock.'"

Samantala, kabilang din sa natalakay ng reporter sa podcast ang kanilang mga travel at adventure, pagiging babaeng mamamayag sa larangan ng sports, pagiging dokumentarista sa wakas, at bukod sa iba pa.