Nanghihinayang si Manay Lolit Solis sa relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, dahil ayon sa kaniya, kung titignan daw ay "perfect couple" umano ang dalawa.

Dagdag pa ng talent manager, sinubok na raw dati ang relasyon ng dalawa at nagkabalikan, pero ngayon, mukhang hindi na talaga ito maayos pa.

“Sayang man iyong relasyon nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, talagang hindi na siguro ito mabubuo, Salve. Sayang kasi meron silang dalawang anak at parang bagay na bagay naman sila Aljur at Kylie kung titignan mo," sey Lolit sa kaniyang IG post.

“Nangyari na noon ang paghihiwalay nila, nagkabalikan, naghiwalay ulit, kaya baka this time hindi na ulit sila maaayos. Mas maganda kasi na kung hindi puwede, huwag ipilit," dagdag pa niya.

'May pagkakamali ako!' Paghihiwalay nila ni Kylie, kasalanan ni Aljur

Ayon pa kay Manay Lolit, mas mabuti umanong maging magkaibigan na lamang ang dalawa, dahil bata pa umano sila at malayo pa ang mararating nila sa buhay. Naniniwala rin siyang matatagpuan ng aktor at ng aktres ang tunay na "happiness."

Aniya, "Kung talagang merong problema, maging magkaibigan na lang. Mas mabuti pa nga siguro na ganoon na lang ang mangyari sa kanila kaysa naman maging magkaaway pa sila dahil sa madalas na hindi pagkakaintindihan."

"Meron kasing mas mabuting friend kaysa lovers. Mabait na tao si Aljur at si Kylie, kaya tiyak na darating pa rin sa buhay nila ang happiness na hanap nila," dagdag pa ng talent manager.

Samantala, inamin naman ng hunk actor na siya ang may kasalanan sa hiwalayan nila ng kaniyang estranged wife na si Kapuso actress Kylie Padilla.