Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Abril 3, na may kabuuang 1,721 bagong kaso ng Covid-19 na naitala sa bansa noong nakaraang linggo.

Sa kanilang weekly case bulletin, sinabi ng DOH na ang daily average cases ay kasalukuyang nasa 246 na mas mataas ng 33 percent kaysa sa mga kaso noong Marso 20 hanggang Marso 26.

Nakapagtala ang DOH ng 13 pang indibidwal na nasa ilalim ng malubha at kritikal na mga kaso. Sa kasalukuyan, mayroong 347 malubha at kritikal na admission na 9.3 porsyento ng kabuuang Covid-19 admissions.

Sa kabilang banda, 271 sa 1,984 o 13.7 porsyento ng Intensive Care Unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 2,626 sa 15,936 o 16.5 percent ng non-ICU beds ang okupado na rin.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Samantala, na-verify din ng DOH ang 58 pang pagkamatay dahil sa Covid-19 nitong nakaraang linggo. Binanggit nito na walang nasawi mula Marso 20 hanggang Abril 2.

Sa 58 na pagkamatay, isa ang naitala noong Oktubre 2022, isa noong Marso 2022, anim noong Pebrero 2022, anim noong Enero 2022, lima noong Oktubre 2021, siyam noong Setyembre 2021, pito noong Agosto 2021, apat noong Hulyo 2021, dalawa noong Hunyo 2021 , tatlo noong Mayo 2021, siyam noong Abril 2021, dalawa noong Marso 2021, isa noong Pebrero 2021, isa noong Nobyembre 2020, at isa noong Oktubre 2020.

Sa usapin ng pagbabakuna sa Covid-19, sinabi ng DOH na dahil sa patuloy na paglipat ng Vaccine Information Management System (VIMS) ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang DOH-Epidemiology Bureau ay hindi makapaglalabas ng updated vaccine accomplishment hanggang sa malutas ang nasabing migration.

Dhel Nazario