Pinainit ng social media personality at talent manager na si Wilbert Tolentino ang socmed, matapos iflinex ang kaniyang tattoo sa likod na nakahubad at kita ang kaniyang "wetpu" na nagpabusog sa mata ng netizens?

Kalakip sa "daring" na larawan na kaniyang in-upload sa Facebook ay ang caption kung saan sinabi niyang suwerte umano ang maging partner niya in life, dahil araw-araw umano silang nakahubad.

Aniya, "Kung sino man mapapangasawa ko. Sobrang swerte po niya, dahil hindi na siya maglalaba, kasi araw-araw kami nakahubad. Ohhh-lala Venezueeela!! #mywholebacktattoo #sirwil75 #wilberttolentino."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May nakakalokang reaksiyon naman ang mga alaga ni Wilbert na sina Madam Inutz at Herlene "Hipon" Budol.

"Sir pasok ka na daw sa Vivamax," pabirong komento ni Madam Inutz.

"Ano ginagawa mo diyan Mima Wilbert," tanong naman ni Hipon.

Aprub naman sa netizens ang iflinex ni Wilbert na full tattoo sa kaniyang likod. Dagdag pa ng netizens, napaka-artistic, makulay, at bagay umano ito sa talent manager.

Narito ang komento ng netizens:

"In fairness ang artistic po."

"The position is very authentic hahaha."

"Pakitaas pa po ng konti."

"Wow, incredible tattoos. What an art."

"The design if forda hot person."

"Perfect idol love it."