Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko nitong Linggo, Abril 2, na mas pag-ibayuhin ang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalunod ngayong tag-araw kung kailan maraming tao umano ang pumupunta sa mga beach at swimming pool.

Sa pahayag ni PRC Chairman at Chief Executive Officer Richard Gordon, mas malaki ang panganib ng pagkalunod pagdating sa mga bata.

Ibinahagi ng World Health Organization noong 2022 na mahigit 3,000 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa pagkalunod, kung saan karamihan dito ay mga bata.

"The best thing anyone can do to stay safe in the water is to learn how to swim. The PRC offers swimming and water safety courses that are suitable for all ages," ani Gordon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tiniyak din naman ni Gordon na nakahanda ang Red Cross 143 volunteers sa lahat ng PRC chapters para mag-ulat at tumugon sa mga insidente ng pagkalunod sa kanilang coverage area.

Matatandaang opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Marso 21 ang ‘dry season’ o tag-init sa bansa.

BASAHIN: Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula 2006 hanggang 2013, ang buwan ng Abril ang may pinakamataas na bilang ng mga nasasawi dulot ng pagkalunod.

Nito lamang Sabado, Abril 1, isang menor de edad at dalawa pa ang nasawi sa pagkalunod sa dalawang magkahiwalay na insidente sa bayan ng Bolinao at Agno sa Pangasinan.

BASAHIN: 3 nalunod sa magkakahiwalay na resort sa Pangasinan

"To know more about the Philippine Red Cross Water Safety Program, contact the nearest PRC Chapter or PRC Safety Services at (+63 2) 8790-2365 to 66, (+63 2) 8790-2300 loc. 933/934, or email them at [email protected]," paalala pa ng PRC.