Usap-usapan at trending na sa social media ang mga litrato ng isang guro mula sa Calabarzon region dahil sa artistahin looks nito.

Nakilala ang gurong si "Jay-ar Coronel" na batay sa kaniyang profile sa Facebook ay nagwaging "Mr. DepEd Imus City 2021" na naninirahan sa Imus, Cavite, at nagtuturo ng Math at English.

Batay rin dito, isa rin siyang freelance model at nagtapos ng Bachelor of Elementary Education sa kolehiyo.

"Done with my 2nd COT," ayon sa caption ng kumakalat na post ng guro kalakip ang kaniyang mga litrato habang nagtuturo.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Napakapogi naman ni sir!"

"Parang ang sarap bumalik sa pag-aaral hahaha."

"Sir, present po ako lagi!"

"Sir, wala po akong homework. Can I stay after class? I will make up for it."

"Single kaya si sir? Hahaha."

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 20k shares, 9.3k reactions, at 3.2k comments ang kaniyang post.