Marami sa celebrity friends at followers ang natakam sa pa-hopia ni Kapuso star Carla Abellana na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Marso 31.

Sa litrato ay makikitang kumakain si Carla ng isang brand ng sikat na hopia.

"Tipas Hopia makes everything better," ani Carla sa caption.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Natakam naman dito ang ilang celebrities at hindi naiwasang mapa-comment.

"Penge," sey ni Ryan Agoncillo na mister ni Judy Ann Santos.

"Yay my fav too" segunda naman ni Nadine Samonte.

Sey naman ng netizens, kumain din sila ng hopia pero hindi kasingganda ni Carla.

"Kumakain din naman ako ng hopia pero bakit di ako ganito kaganda."

"Try the other flavors po. They have pastillas, pinya and pandan."

"Always pretty kahit kumakain lang."