Nananawagan sa publiko ang misis ng aktor na si Gardo Vesoza na si Ivy Vicencio na isama sa panalangin ang mister matapos itong sumailalim sa angioplasty matapos atakihin sa puso dulot daw ng sobrang pagkapagod dahil sa bicycling.

"Pakisama po sa dasal ninyo na maging successful sana ang operation ni Gardo 'Cupcake' Versoza ngayon. May nakita pong bara sa ugat nya sa puso, maraming salamat po," saad ni Ivy sa kaniyang Instagram post noong Marso 29.

View this post on Instagram

A post shared by Ivy Vicencio (@ivy_vicencio)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ngayon ay maayos-ayos na ang kalagayan ni Cupcake.

Ayon sa panayam, hindi raw sila kaagad naghinalang inaatake na si Gardo dahil inakala lamang nilang back pain lang ang nararamdaman nito.

“Kasi ang masakit sa kaniya, ‘yung likod, back pain at batok at ulo. So hindi talaga namin iniisip na inaatake na siya. After niyang sumakit ulo, nagsuka siya ng dalawang beses. After niya magsuka, nagla-lock na ‘yung jaw niya,” salaysay ni Ivy sa ABS-CBN News.

Matapos daw ang ECG, hindi nagsayang ng panahon ang mga doktor na isailalim siya sa angioplasty. Kung nadelay pa nga raw ng ilang oras ang pagsugod nila sa ospital, baka wala na raw ngayon ang aktor.

Matapos ang 2 hanggang 3 buwan ay muli itong sasailalim sa operasyon. Nananatili rin siya sa ICU upang patuloy na ma-monitor ang kaniyang lagay.

“Recovering na rin. Hinahabol lang nang konti ‘yung salita, ang steps niya ay baby steps lang ganyan. Nag-start na rin siyang mag-cardiac rehab,” dagdag pa ni Ivy.

Nagbabala rin si Ivy sa publiko, lalo na ang mga extreme mag-ehersisyo at mag-gym, na maghinay-hinay lang. Nakasasama rin ang sobra lalo na't hindi na bumabata.