Proud na proud si "It's Showtime" host Ion Perez sa kaniyang wife na si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda na nagdiwang ng kaniyang 47th birthday.

Ibinida ni Ion ang intimate birthday celebration ni Vice kasama ang mga kaanak at iba pang malalapit sa kaniya.

"This is muh WIFE," text caption ni Ion sa isa sa mga Instagram story niya kung saan flinex niya si Meme Vice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ion Perez at Vice Ganda (Screengrab mula sa IG stories ni Ion Perez)

Sa isa pang Instagram post, nagpaabot ng pagbati si Ion sa kaniyang "YorMeme."

"Happy birthday yorMEME ng buhay ko ur everything everything to me! @praybeytbenjamin Basta kaluguran daka ne?," anang Ion.

Kamakailan lamang ay kinakiligan naman ng netizens ang pag-flex ni Vice kung gaano ka-sweet sa kaniya ang "husband" sa pamamagitan ng pag-prepare nito ng toothbrush at toothpaste na gagamitin niya.